Add parallel Print Page Options

Dahil dito, lumapit ako sa Panginoong Dios at nanalangin. Nag-ayuno ako, nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo.[a] Nanalangin ako sa Panginoon na aking Dios at humingi ng tawad para sa aming mga kasalanan:

“Panginoon, kayo ay makapangyarihan at kahanga-hangang Dios. Tapat po kayo sa pagtupad ng inyong pangako na mamahalin nʼyo ang mga nagmamahal sa inyo at sumusunod sa inyong mga utos. Nagkasala kami sa inyo. Gumawa kami ng kasamaan at sumuway sa inyong mga utos at tuntunin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:3 nagdamit ng sako, at naglagay ng abo sa ulo: Itoʼy ginagawa ng mga Judio upang ipakita na nalulungkot sila at nagsisisi sa kanilang mga kasalanan.